Wednesday, February 02, 2005

Usapang lasing

Ano ang gusto mo? Ikaw ang under or ikaw ang nang-a-under?

sagot: “Gusto ko pareho kaming nagmamahalan.”

Naalala ko pa sabi ng Nanay ko.

Kung magiging “under de saya” daw ako ng magiging asawa, “mahibi-hibi (iiyak nang iiyak) ako”.

Di ko alam kung bakit nya nasabi yun.

Dahil kaya alam nya, bilang babae, kung ano ang implikasyon nito?
Na bilang babae, alam nya ang kahihinatnan ng isang lalaki na hawak sa leeg ng asawang babae?

O di kaya naman, ayaw nya lang akong mag-asawa at all?

“Under de Saya”, sunud-sunuran.

The thought of verbal abuse, kahit sampalin or murahin, abuse pa rin yun. Mas milder pa ang physical kesa sa verbal or emotional.

May mga lalaki na kaya sumusunod e dahil mahal sila.

Pag oo lang ng oo ang lalaki, walang thrill.
Masarap din na pinapaligaya ka at sinusunod ng lalaki, depende sa sitwasyon.

Some girls would rather let the man take charge …

"Gusto ko takot ako sa lalaki, kung mahal mo talaga, nirerespeto mo.
Dapat mas dominante sya saiyo," .

Ang isipin ka, mahirap gawin.
Pero hirap na rin ang aking kalooban. At minsan, pumapatak na lang kuha ko ng kusa.
Hanggang ngayon. Di ito dahil gustong lumuha ng mata ko, kundi galing sa kaloob-looban ng puso ang pinakabukal nito.

Umiyak ka,
Umiyak ka, aking puso, hanggang di mo na malaman kung ano ang dahilan ng pagluha mo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home