Wednesday, February 02, 2005

Malayang pagsuyo

"Ano ang gusto mo?" tanong ko. "Ikaw ang under or ikaw ang nang-a-under."

"Depende,” sagot nya.

“Gusto ko pareho kaming nagmamahalan,” dagdag ko.

“Maganda yang sinabi mo. Di ko naisip agad un.”

Payak na kwentuhan ukol sa masalimuot na buhay, kami at ng aking kaibigan.

“Naalala ko pa sabi ng Nanay ko, sa salitang Bicol. Kung magiging 'under de saya' daw ako ng magiging asawa, ‘mahibi-hibi (iiyak nang iiyak) ako’.”

“Di ko alam kung bakit nya nasabi yun. Dahil kaya alam nya, bilang babae, kung ano ang implikasyon nito? O na bilang babae, alam nya ang kahihinatnan ng isang lalaki na hawak sa leeg ng asawang babae?O di kaya naman, ayaw nya lang akong mag-asawa at all?

“Ang ‘Under de Saya', di ba sunud-sunuran? Ang verbal abuse, abuse pa rin yun. Kahit emotional torture, abuse din un. Mas milder pa nga ang physical kesa sa verbal or emotional. May mga lalaki na kaya sumusunod e dahil mahal nila si babae. Pero pag oo lang ng oo ang lalaki, walang thrill. Masarap din na pinapaligaya ka at sinusunod ng lalaki, pero depende pa rin sa sitwasyon. Some girls would rather let the man take charge … Dapat mas dominante sya saiyo. Gusto ko takot ako sa lalaki, kung mahal mo talaga, nirerespeto mo.

* * *

Ang isipin ka, madaling gawin. Pero ang limutin, mahirap.

Hirap din ang aking kalooban, isipin ka man o pilit iwaksi sa aking pagod nang alaala.

At minsan, pumapatak na lang kuha ko ng kusa.

Hanggang ngayon.

Di ito dahil gustong lumuha ng mga mata ko, kundi ang tubig ay galing sa pinakabukal ng puso.

* * *

Kumuha ka.
Lumuha ka, aking puso.
Hanggang ang punglo ng bawat patak ng luha
Ay tumimo sa dibdib ng kawalan
Nang ang alaala sa mga lumipas
Ay mabaon sa limot ng karimlan

Lumuha ka
Hanggang sa pagtulog
Upang maabot ang sukduklan ng pagsiphayo
Nang sa pagmulat mo'y malito sa dating dahilan ng pagluha mo.
At dumako ang iyong puso sa liwanag ng malayang pagsuyo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home