Tuesday, December 14, 2004

Problemang pinoy

Got a call from Noel Sebetero, 39, from Central Victorias, in Negros Occidental. Someone from the consulate referred me to him. Baka daw may maitulong ako sa kanya. Noel does not have a mobile phone but used his colleague's phone 050-3532569.
Such calls happen at least once a week.
He walked into the consulate earlier with a complainant then called me to seek advise. Noel arrived from Manila in Dubai on Nov. 27.
He worked as a tailor in Saudi Arabia for six years.
His new employer in Dubai, a Lebanese man, apparently had made promises he didn't keep, or which he is now denying.
"Ayaw niyang ibigay (reimburse) ang airline ticket ko," according to Noel.
He arrived on employment visa. Borrowed 300 from friends (apparently, he had lost all his savings) to buy $290 one-way ticket to Dubai.
But his story is quite murky. I asked to write down the circumstances instead before I could dispense any advice.
He just wants to go back home. The ticket reimbursement was promised by the recruiter in Manila.
"Ngayon itinatanggi ng amo dito. Wala raw siyang sinasabing ganun."
Noel also complained of poor working and living conditions.
"Out of my salary of Dh1,050, I have to pay for the electricity and water consumption. Pero since wala kaming pera, nag-iigib na lang kami ng inumin sa labas, sa isang mosque na malapit dito sa accomodation namin (Al Qusais district).
"Gusto ko sanang ipa-cancel na lang ang visa ko. Ang passport ko, hawak ngayon ng amo.
"Mas mahirap pala ang sitwasyon dito kesa sa Saudi. Dun, kahit papano, fair ang labanan dun.
Ang tanong nya sakin: "Kung gusto ko nang umuwi, ano ang gagawin ko? Hinihingan nila ako ng pambayad ng bond."
"Pumunta ako sa Labour Ministry para magtanong kung papano pwede ipa-cancel ang aking visa.
"Pito kaming dumating, isang accountant, secretary, auto-CAD operator, welder. Sila, hindi nagreklamo.
"Dalawa college ko sa Pilipinas. Di ko alam ganito pala ang sitwasyon dito. Mababa ang sweldo, tapos pangit ang trato sa amin.
Kaya nag-decide na lang akong uuwi.
Ako lang nag-decide magreklamo.
Pinagbabayad ako ng security bond.
Salary Dh800, plus Dh250 living allowance.
Pagdating namin, binigyan kami ng Dh200 pambili ng pagkain at personal effects. Pero paubos na rin un.
***
Istoryang malabo, di kumpleto at di alam kung saan patungo. So I asked him to put it down in writing para buo ang kwento para kung maayos ang takbo.
Karamihan ng mga ganitong reklamo, di malinaw ang kwento.
Dapat din itanong sa employer nya kung ano ba talaga ang tunay na score.

Minsan, ang mga Pinoy, pumupunta lang dito nang di alam kung ano talaga ang kanilang papasukan.

Marami dyan, baka sakali lang. Baka swertehin. Baka mabait ang amo...

Bakit naman ako pa ang sasanggunian ng mga ganitong tao? Akala nila ako magbibigay ng kalutasan sa kanilang problema.

Pero okay lang. Kung nakakarinig ka ng problema ng ibang tao, dapat magpasalamat ka dahil mas magaan ang problema mo kesa sa kanila.

Minsan kasi, tama nang pakingkan mo lang ang kanilang hinaing kahit wal kang maibibigay na agarang solusyon. Kailangan lang ng tao na may nahihingahan na kanilang masamang kalooban.

Pero ako, walang mahingahan... naglalakbay ang isip sa kung saan-saan.

Naghahanap na mapunuan ang aking buhay ng kulay na nanggagaling sa pagpili na may kalayaan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home