Sunday, July 06, 2003

Noong in love ka pa

(LIFTED FROM SOMEONE ELSE'S WORK)

Ang sarap ng in-love. Sa unang beses niyo mag-date tapos naramdaman niyo ang sinasabi nilang "spark" nako, magkaharap pa kayo naiisip mo na ang bukas
Para matawagan mo na siya at maayang makipag-date ulit, pero sa susunod kayong dalawa na lang.

Hindi ka mapakali pag wala siya sa tabi mo o hindi mo siya nakakausap sa isang araw, sigurado at sigurado tatawagan mo siya sa opisina, sa bahay at pag wala doon maglo-load ka sa cellphone mo at uubusuin ang 300 na prepaid sa loob ng isang tawag na wala naman ibang laman kundi bungisngis, kamustahan at kuento tungkol sa lahat ng sama ng loob mo sa mga ex mo.

At ang goodbye sa telepono ay nde matapos-tapos, hindi niyo malaman kung sino ang unang magbababa at umaasa kang me "Take care" sa huli. Me text pa yan sa umaga para masabi mo sa kanya na masaya ka na nakapag-usap kayo.

Minsang gumimik kayo at upbeat ang sounds, hala! sayaw ka kahit parehong Kaliwa nag mga paa mo, pero gusto niyang sumayaw kaya sige sasayaw ka na rin.
Kahit ilang mule, arctic at sub-zero ang orderin niya wala kang pakialam, mas mabuti nga kse nga puede mo na siyang akbayan at I-hug pag medio lasing na siya, pag hindi siya pumalag nako! score! para kang nasa langit.

Malamang, matapos mo siyang ma-hug eh ayaw mo nang maligo at lagi mong naaalala ang scent ng pabango niya na me halong amoy alcohol na pero para sa yo mabango pa din siya.

At siempre tuwing matapos kayong gumimik eh ayaw mo pa rin matapos ang gabi kaya hihirit ka pa ng coffee, kahit isandaan ang isang baso, "So what?!?" kamo, pera lang yan ang importante kasama mo siya. Masaya ka rin pag na-traffic kayo kse makakapagkuentuhan pa kayo pauwi.

Matiyaga mong inaral ang pagda-drive ng manual gamit lang ang isang kamay kse yun isa hawak yun kamay niya o nakadantay sa hita niya habang nagmamaneho ka.

Araw-araw magmamakaawa ka na ihatid mo siya at kung puede ka rin niyang Ihatid pauwi, at kung lulusot baka pati lunch eh puede na rin na kayo ang maging lunchmates. Pag me free time ka eh nasa bookstore ka para nagtingin ng mga puedeng ibigay na greeting cards. Nakalimutan
mo na ang barkada mo, para sa yo malaking abala lang sila sa napakagandang lovelife mo kese hodang magtampo pa sila sa yo at magsolian na kayo ng kandila sa inaanak mo sa kanila.
At kung aalis man kayo nde ka magkasya sa pagte-text lang sa lab mo,
kelangan mong pumunta sa banyo para lang magkarinigan kayo pag tinawagan mo siya at sabihin na nde ka nag-eenjoy at mas gusto mo na siya ang kasama. Pagdating ng weekend nako para kang intsik!
alas dies pa lang ng umaga nasa kanila ka na at me
dalang suhol na breakfast para sa nanay niyang nakasimangot dahil natutulog pa ang anak niya eh andun ka na. Pagdating ng gabi kahit antok na antok na siya eh ayaw mo pa ring umuwi, hinihintay mong makatulog siya sa mga bisig mo para makanakaw ka ulit ng kiss. Iniisip mo rin kung kelan ka kaya niya ipapakilala sa friends niya?

Nung kayo na, lahat ng monthsary ice-celebrate niyo, me kasama pang surprise na regalo at date. At nde miminsan mong nabanggit na gusto mo na siyang Pakasalan at wala nang ibang babae sa puso at walaka nang makikita na katulad niya.

AFTER ONE YEAR
Mahal ang gimik sa bar, mas maganda kung kakain na lang kayo sa Jollibee at manonood ng sine. Minsan, wag na rin manood!
Wag na kayo magkape, masyadong mahal with matching
comment na "Leche, me ginto ba yan?"

Mas gusto mo nang kasama barkada mo dahil "minsan"
lang kayo magkita sa isang linggo.

Pgakahatid mo sa kanya, nagmamadali kang umuwi sa gabi dahil pagod ka na sa trabaho. (nahahatid pa nga ba?)

Pumapasok at umuuwi na siya mag-isa dahil nde mo siya masusundo dahil puyat ka.

Syet! wag ka niyang pipiliting sumayaw at nakakahiya.

Anong tawag? Sa load mong 300, mauubos yun at 1 beses mo lang tinext (against 245 na text niya sa yo) at 2 minutes mo siyang natawagan (against P300 worth na tawag nya syo). Naubos ang load mo kakatawag sa mga barkada mo at kakaforward
ng joke sa kanila at kung ano ano pa.

Pag weekend mas gusto mong manood na lang ng TV o matulog o mag playstation o mag pc kesa kausapin sya.

Pupunta ka lang Pag tumawag na siya at nagmamakaawang dalawin mo naman siya at me suhol na ipinagluto ka niya. (o kahit na anong suhol)

Kahit automatic na kotse mo nde mo pa rin makuhang hawakan ang kamay niya habang namamaneho ka.

Magastos ang mga monthsary, kung anniversary niyo nga eh wala kang regalo, monthsary pa?!?

Mag-uusap kayo? Baket me problema ba? Kung wala, isang oras kang manonood ng TV, makikipagkwentuhan sa bestfriend mo habang siya eh nakatutulog (at namuti na mata) kahihintay na kausapin mo siya.

Miss na niyang ini-email mo siya, sagot mo? "Jus ko naman araw-araw na Tayong nag-uusap ano pa ba naman ang sasabihin ko sa yo? Baka gusto mo pa ng card?!?"

Pag aayain ka niya para gumimik with her friends ang sagot mo? "Utang na loob, kung gusto mong lumabas kasama friends mo ikaw na lang mag-isa at naiilang ako."

Pero pag lalabas kayo with your friends umiinit ulo mo pag tahimik siya pag nagjo-joke sila tungkol sa inyo ng ex mo sabay tanong "Nde ka ba nag-eenjoy?

Buiset, umuwi na nga lang tayo!"

At tungkol naman sa kasal..."Jusko naman, nde mo ba ako maintindihan?!? Wala pa akong pera saka nde ko maiisip yan ngayon!

Sana wag ka namang makulit."

Sa lahat ng ito, ngingiti na lang siya, iisipin lahat ng ginagawa mo noong nanliligaw ka pa malaman umaasa pa yun na babalik yun dati sabay buntung-hininga at sabi ng malakas..."Kay sarap ng in-love."

Tapos after 3 years...

Wala na, sawang-sawa na kayo sa isa't isa. Nasusuka ka na sa kanyang itsura, at siya sa iyo. Ang iniisip mo na lang ay pa'no burahin lahat ng alaala na pagkapait-pait balikan.

Nanghihinayang ka sa panahon, oras, at kayamanang ginugol mo sa isang tulad niya. Habang siya naman, di mo alam, gustong magmadre dahil sa pagsisising naniwala at nakipaglokohan siya sa isang gagong tulad mo.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home